Mga mambabatas sa Eastern Visayas umapelang pag-aralan muli ang Hatid Probinsya

Nanawagan ang labing-dalawang (12) mambabatas mula sa Eastern Visayas
na muling pag-aralan ang ‘Hatid Probinsyaprogram ng pamahalaan.

Ito’y dahil sa kanilang pagkabahala sa pagdami ng Covid-19 cases sa rehiyon na nagpapatuloy hanggang ngayon.

Ang panawagan ay nakapaloob sa pinag-isang pahayag na nilagdaan nina Leyte 1st district Ferdinand Martin Romualdez; 1st at 2nd District ng Northern Samar na sina Rep. Paul Daza at Jose Ong, Jr.; Western Samar Congressman Edgar Sarmiento; Leyte 3rd District Vicente Veloso III, Southern Leyte Rep. Roger Mercado, at iba pa.

Nakapaloob din sa panawagan na bagama’t handang tanggapin ng kanikanilang lalawigan ang nagsisi-uwian, responsibilidad din ng pamahalaan na tiyakin na sila ay ligtas sa anumang karamdaman.

Kasabay nito, nanawagan din sa DOH ang mga mambabatas na palakasin ang kanilang regional office sa Silangang Kabisayaan para maging ligtas sa Covid 19 ang mga lalawigan na kinasasakopan.

About Dahlia Orit 348 Articles
Your journalist/blogger from Maasin City

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*