LSIs nagsimula ng dumating sa Southern Leyte matapos ma-lift ang travel ban

Matapos ma-lift ang travel ban ng Eastern Visayas noong July 9 para sa mga Locally Stranded Individuals (LSI), nagsimula ng magdatingan ang mga Southern Leyteños galing sa iba’t-ibang lugar na gustong-gusto ng umuwi sa probinsya.

Sa ipinalabas na advisory galing sa Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Office, bagamat may mga ipinasang resolusyon ang mga LGU para sa extension ng travel ban dito sa region 8, wala pang desisyon ang National Inter-Agency Task Force ukol dito.

Sa katunayan, ayon kay Maasin City Mayor Nacional Mercado, may dalawampu’t isang (21) indibidwal ang ligtas na dumating sa syudad ng Maasin kahapon, kung saan labing-anim (16) nito ay galing sa Manila, 4 sa Mindanao at isa galing sa Biliran.

Ayon sa alkalde, kaagad namang inilagay ang mga LSIs sa quarantine facility para sa kanilang 14-day quarantine period.

Nilinaw ni Mercado na lahat ng LSIs na uuwi sa lokalidad ay isasailalim sa RT-PCR test, kahit may guidelines na inilabas ang DOH na nauukol sa Expanded Testing, kung saan nagsasabing hindi na maaring i.swab test ang mga LSI.

Aniya, habang may mga swab test pa na available ang LGU, gagamitin ito para sa mga uuwing residente. Dagdag niya na isa itong paraan para masiguro ang proteksyon ng publiko.

Samantala, hinihikayat ngayon ni Mayor Mercado ang mga barangay kapitan na makipagtulungan at magsumbong kaagad sa kanilang tanggapan kung sakaling may mga uncoordinated individuals na umuwi sa kanilang lugar para mailagay kaagad sa mga identified quarantine facilitybako pa ito makahalubilo sa publiko.

Sa ngayon, may tatlumpu’t lima (35) ng Southern Leyteños ang nakauwi sa kani-kanilang bayan at inaasahan pa na mas dadami pa ang mga ito sa susunod na mga araw.

About Dahlia Orit 341 Articles
Your journalist/blogger from Maasin City

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*