DSWD Eastern Visayas patuloy sa pamimigay ng waitlisted emergency subsidy

Patuloy ang distribusyon ng DSWD Eastern Visayas ng Emergency Subsidy para sa mga kwalipikadong waitlisted na benepisaryo ng Social Amelioration Program. Ang mga waitlisted na ito ang mga kwalipikadong pamilya na hindi nakatanggap ng First Tranche dahil sa limitadong slots.

Kamakailan, ang mga kawani ng DSWD ay nagsagawa ng distribusyon sa Palo, Pastrana, San Miguel at Javier sa Leyte at sa Matuginao at Gandara sa Samar, kung saan ang mga benepisaryo ay nakatanggap ng P5,000 na Emergency Subsidy.

Ngayong buwan, nakapaghatid na ang DSWD ng P4,580,000.00 na Emergency Subsidy sa 916 na mga benepisaryo mula sa 10 na munisipyo sa pamamagitan ng direct cash payout:

Gandara, Samar – 19 na benepisaryo
Matuginao, Samar – 65 na benepisaryo
Lawaan, Eastern Samar – 150 na benepisaryo
Palo, Leyte – 161 na benepisaryo
San Miguel, Leyte – 130 na benepisaryo
La Paz, Leyte – 38 na benepisaryo
Pastrana, Leyte – 70 na benepisaryo
Javier, Leyte – 27 na benepisaryo
Silago, Southern Leyte – 227 na benepisaryo
Caibiran, Biliran – 29 na benepisaryo

Inaasahang madadagdagan pa ang mga benepisaryo na makakatanggap ng Emergency Subsidy sa susunod na mga araw, lalo na at patuloy ang DSWD na magsasagawa ng direct cash payout at patuloy din na binbalangkas ng DSWD at ng Starpay ang distribusyon sa pamamagitan ng digital payment.

Para sa iskedyul ng payout sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa ating Local Government Units. Patuloy din po nating abangan ang mga updates ukol sa digital payment ng Emergency Subsidy dito sa Eastern Visayas.

About Dahlia Orit 341 Articles
Your journalist/blogger from Maasin City

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*