2 hinihinalaang komunistang terorista, patay sa engkwentro sa Bontoc, S. Leyte

Photo from 8ID Press Corp but not the actual scenario.

Matapos ang enkwentro sa Dolores, Eastern Samar, dalawang hinihinalang miyembro ng Counter Terrorist Group New People’s Army ang nasawi sa isa na namang bakabakan sa pagitan ng militar at ng rebeldeng grupo sa bayan ng Bontoc, Southern Leyte.

Sa ulat ng 802nd Infantry Division ng Philippine Army, naganap ang engkwentro kahapon ng umaga sa brgy Lawgawan, ng nasabing bayan.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng ulat na may presenya umano ng mga armadong lalaki kaya agad na tinungo ng mga militar ang lugar para sa kanilang operasyon, subalit nagkaroon sila ng engkuwentro sa mga rebelde at nauwi ito sa mahigit isang oras na bakbakan, na ikinamatay ng isang sundalo.

Sa ngayon ay hindi pa matiyak ng Philippine Army kung ilan ang mga nasaktan sa kampo ng rebeldeng grupo.

Samantala, isang sundalo naman ang namatay at isa ang sugatan matapos matamaan ng bala sa kanyang katawan. Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na ito.

Nakumpiska ang M16 rifle, tents, kasama ang tatlong backpacks na naglalaman umano ng mga personal na gamit ng mga rebelde.

About Dahlia Orit 325 Articles
Your journalist/blogger from Maasin City

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*